Home METRO LTO magsasagawa ng plate distribution caravan sa Kyusi

LTO magsasagawa ng plate distribution caravan sa Kyusi

313
0

MANILA, Philippines – Magsasagawa ang Land Transportation Office (LTO) ng plate distribution caravan sa Biyernes, Agosto 8, sa SM North Edsa sa Quezon City para sa mga may-ari ng motorsiklo na wala pa ring plaka.

Sa Facebook advisory nitong Huwebes, sinabi ng LTO na magaganap ang caravan mula alas-3 hanggang 5 ng hapon sa 5th-floor motorcycle parking area ng SM North Edsa.

Binanggit ng ahensya na ang inisyatiba ay bahagi ng patuloy nitong pagsisikap na palawakin ang pamamahagi ng plaka sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ayon sa LTO, ang mga may-ari ng motorsiklo na sasali sa caravan ay kailangang magdala ng mga sumusunod na dokumento:

  • Original and photocopy of the Official Receipt or Certificate of Registration

  • Valid ID of the registered owner

  • Deed of Sale, if the motorcycle is not yet under the owner’s name

Nilinaw ng LTO na tanging mga plaka ng motorsiklo ang ipoproseso sa caravan na ito.

Noong unang bahagi ng Hulyo, inihayag ni Transportation Secretary Vince Dizon na, pagkatapos ng 11 taon, na-clear na ng gobyerno ang backlog ng mga plaka ng motorsiklo sa bansa. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here