Home NATIONWIDE VP Duterte sa: Igalang desisyon ng Senado sa impeachment case

VP Duterte sa: Igalang desisyon ng Senado sa impeachment case

277
0

MANILA, Philippines – Nanawagan si Vice President Sara Duterte na igalang ang desisyon ng Senado na i-archive ang impeachment complaint laban sa kanya. Ito ay matapos bumoto ang 19 senador pabor sa pag-archive, apat ang tumutol, at isa ang nag-abstain.

“Kailangan natin respetuhin ang role ng Senate of the Philippines sa demokrasya,” ani Duterte. “Kung iyon ang desisyon ng mayorya, kailangang sundin at igalang ito ng lahat.”

Ipinagdiwang ni Duterte ang desisyon kasama ang kanyang legal team at mga petitioner na sumuporta sa pagbasura ng kaso. Gayunman, sinabi niyang patuloy silang maghahanda sa posibleng muling paghahain ng reklamo.

“Kailangan paghandaan ang lahat ng posibleng mangyari. Maaaring may mag-file na naman sa 2026, 2027, o 2028—isa nanamang pagkakataon para sa depensa,” sabi niya.

Nakahanda rin ang kanyang kampo na maghain ng tugon sa motion for reconsideration na inihain ng House of Representatives.

Pinabulaanan din ni Duterte ang pahayag ni Palace Press Officer Claire Castro na bumiyahe siya sa Kuwait nang walang travel authority.

“Dapat hindi kayo mag-propagate ng misinformation and fake news. Walang katotohanan na nagpunta ako sa Kuwait na walang travel authority,” giit niya.

Noong Pebrero 5, inaprubahan ng mahigit 200 mambabatas sa Kamara ang impeachment complaint laban kay Duterte. Tumanggi siyang umamin ng kasalanan at tinawag ang reklamo na isang “scrap of paper.”

Idineklara ng Korte Suprema na labag sa Konstitusyon ang reklamo dahil sa paglabag sa one-year rule at sa kanyang karapatang legal. Humiling naman ng reconsideration ang Kamara, iginiit na sa kanila ang kapangyarihang maghabla habang ang Senado ang dapat na humatol. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here