Home NATIONWIDE PBBM, balik-Pinas na; 13 bilateral, 18 business agreements uwi galing sa India

PBBM, balik-Pinas na; 13 bilateral, 18 business agreements uwi galing sa India

260
0

MANILA, Philippines – Balik-Pinas na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. mula sa kanyang five-day state visit sa India.

Lumapag ang sinasakyang eroplano ng Pangulo at ng kanyang delegasyon sa Villamor Air Base ng alas- 8:06 ng gabi, araw ng Biyernes, Agosto 8.

Sa pag-uwi ng Pangulo mula sa India, bitbit nito ang 13 bilateral at 18 business agreements kasama ang India.

Idagdag pa rito, nagpahayag ng interest ang infrastructure conglomerate GMR Group na mamuhunan sa Build Better More program, partikular na sa airport at energy projects, kasama na rito ang Sangley Airport project.

Matatandaang, araw ng Martes, ikalawang araw ng state visit ni Pangulong Marcos sa New Delhi, kapuwa nila inanunsyo ni Prime Minister Narendra Modi ang pagtaas at pag-angat sa startegic partnership ng relasyon ng Pilipinas at India.

Ang iba pang strategic partners ng Pilipinas ay ang Japan, Australia, South Korea, at Vietnam.

Muli namang inulit ng Pangulo ang kanyang panawagan para sa Philippine-India Preferential Trade Agreement, na kanyang inilarawan bilang “strategic platform” para gamitin ng dalawang bansa para palakasin at itaas ang kanilang economic partnership.

Samantala, sa hiwalay na bilateral meeting kasama si Indian President Droupadi Murmu, inilarawan ni Pangulong Marcos ang kanyang state visit bilang “one of the most productive and constructive visits” na nagkaroon siya. /Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here