Manila, Philippines- Nakatakdang kasuhan ng negosyante at talent manager na si Beverly Labadlabad ang kanyang talent na si Elias Gabonada Lintucan, Jr. aka Elias, ng kasong Estafa through False Pretenses dahil sa diumano’y patuloy na pangongolekta nito ng pera sa mga concert producers and organizers nang hindi nire-remit sa management.
Pinadalhan na rin ng memorandum si Elias para magpaliwanag sa kanyang diumano’y ilegal na pangongolekta, na kinumpirma naman ng kanyang personal assistant na si Ryan Porras at ng iba pang band members.
Narito ang listahan ng mga organizers at petsa na diumano’y kinuhaan ni Elias ng pera:
P160,000 – July 12, 2025, Carmen
P210,000 – July 14, 2025, Sagay
P30,000 – July 16, 2025, GenSan
P170,000 – July 18, 2025, Cabadbaran
P157,500 – July 19, 2025, Mutia, Zamboanga del Norte
P190,000 – July 24, 2025, Santiago
P157,500 – July 26, 2025, Kwiky GenSan
P190,000 – July 27, 2025, Esperanza
P210,000 – July 30, 2025, Kabankalan
P210,000 – July 31, 2025, Aloguinsan, Cebu
P210,000 – August 2, 2025, San Remegio, Cebu
P15,000 – August 3, 2025, Tropicana, GenSan
P210,000 – August 5, 2025, Dumarao, Capiz
P210,000 – August 7, 2025, Libungan, North Cotabato
Sa ngayon ay umaabot na sa P2,330,000.00 ang diumano’y ilegal na nakolekta ni Elias na dapat sana ay ang management ang gumagawa.
Ayon sa abogado ni Labadlabad na si Atty. Ivan Patrick Ang ay walang authority si Elias na mangolekta ng talent fee sa mga producers at organizers, ayon na rin sa management contract na kanilang pinirmahan.
Sinabi pa ni Atty. Ang na siguradong patong-patong at multiple counts of estafa cases ang haharapin ni Elias na posibleng magkaroon ng penalty ng pagkakulong ng 20 to 40 years o reclusion perpetua kung malaki ang halaga na mapapatunayan na kanyang nakolekta, kasama pa na kailangan niyang ibabalik ang kabuuan. JP Ignacio