Home METRO ‘Gorio’ walang epekto sa Pinas; ‘habagat’ magdadala ng ulan

‘Gorio’ walang epekto sa Pinas; ‘habagat’ magdadala ng ulan

254
0

MANILA, Philippines – Pumasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Severe Tropical Storm (STS) Podul at binigyan ng lokal na pangalan, Gorio, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Lunes.

Ito ay nasa layong 1,305 kilometro silangan ng extreme Northern Luzon kaninang 4 a.m., na kumikilos pakanluran sa bilis na 25 kph.

Taglay ni Gorio ang maximum sustained winds na 110 kph malapit sa gitna, at pagbugsong aabot sa 135 kph.

Walang tropical cyclone signal ang nakataas, at malabong direktang maapektuhan ni Gorio ang lagay ng panahon ng bansa sa susunod na tatlong araw, sabi ng PAGASA.

Gayunpaman, ang Gorio ay magdudulot ng katamtamang pag-alon sa baybaying tubig ng extreme Northern Luzon.

Pinayuhan ng weather bureau ang mga mangingisda ng mga motor bancas at maliliit na sasakyang pandagat na mag-iingat habang nakikipagsapalaran sa dagat.

Si Gorio ay inaasahang aabot sa typhoon category sa susunod na 12 oras at lalabas ng PAR sa Miyerkules ng gabi o madaling araw ng Huwebes.

Samantala, patuloy na magdudulot ng pag-ulan ang habagat sa ilang bahagi ng Luzon.

Isolated rain showers ang mangingibabaw sa Metro Manila, Ilocos Region, Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Occidental Mindoro, Palawan, Batanes, at Babuyan Islands.

Parehong lagay ng panahon ang iiral sa nalalabing bahagi ng bansa dahil sa mga localized thunderstorms. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here