Home ENTERTAINMENT Zeinab, binarag sa maling grammar!

Zeinab, binarag sa maling grammar!

277
0

Manila, Philippines – Aminado ang social media star na si Zeinab Harake na waterloo niya ang Ingles.

Ibig sabihin, she needs to brush up on this lalo na sa paggamit ng wastong grammar.

Kahit nagpakatotoo na, binash pa rin siya.

Naging isyu kasi ang kanyang sagot when interviewed by Spot.ph sa nakaraang GMA Gala.

Zeinab was asked kung saan ang kanilang dream travel destination ng asawang si Ray Parks Jr.

Sagot niya: “Gusto naming pumunta ‘from’ Europe!”

Ray followed it up by saying: “We want to go to Europe!”

Ani Zeinab, partikular niyang gustong mag-honeymoon sa Greece.

Ito ang setting ng K drama na Descendants of the Sun which she’d love to see noong 17 anyos pa lang daw siya.

Nagmistula namang piyesta sa mga bashers ang boo-boo niyang ‘yon, na dapat “go to Europe” at hindi “from Europe.”

May mga netizens namang nagtanggol sa barag na barag na si Zeinab, na buti na lang daw ay may supportive husband who teaches her.

Kung matatandaan, nagpaturo pa si Zeinab kay Donnalyn Bartolome ng kanyang sasabihin sa wedding vow niya–patunay na tanggap at wala siyang pretensyon kung mahina man siya sa Ingles. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here