Manila, Philippines – Hati ang public opinion patungkol sa Duterte joke na binitiwan ni Vice Ganda sa Superdivas concert nila ni Regine Velasquez kamakailan.
May mga natuwa as there are those who didn’t find it humorous.
As expected, hindi nagustuhan ng mga DDS o diehard Duterte supporters ang patawa ng It’s Showtime host.
Ang ilan pa nga sa kanila’ y nagbanta na idadamay nila ang ina ni Vice Ganda na si Aling Rosario.
This is where Pokwang comes into the picture.
May pakiusap ang TV host din to spare Nanay Rosario.
Ani Pokwang, wala itong kasalanan dahil hindi naman ito ang nagsulat ng script sa concert.
Neither did Nanay Rosario instruct Vice Ganda what to do or say at the concert.
Dagdag pa ni Pokwang, hindi naman daw artista o pulitiko ang ina ni Vice Ganda, so spare her the bashing.
Pero tila may mga ayaw paawat at ayaw tumalima sa pakiusap ni Pokwang.
Samantala, isang short video ang kumakalat kung saan naglabas ng patunay na nabawasan ng followers si Vice Ganda sa social media.
Ayon sa taong nasa video, karma raw ng host na maituturing na from 20 million followers na meron siya before the concert ay naging 19 million na lang ito ngayon.
Binanatan din ni Harry Roque si Vice Ganda, saying na ang nakalugmok na si Digong sa sahig ay hindi na sinisipa-sipa.