BULACAN, Philippines – Pormal na nilagdaan ang isang Memorandum of Agreement sa pagitan ng Baliuag University at ng Pandi Municipal Government nitong Lunes para magbigay ng libreng pag-aaral sa batas para sa lahat ng mga kwalipikadong empleyado ng local government unit (LGU).
Sa ilalim ng kasunduang ito, sasagutin ng LGU ang lahat ng gastusin para sa Juris Doctor (JD) program, kabilang ang tuition, miscellaneous at academic-related fees, allowances, at iba pang suporta para sa mga kwalipikadong empleyado ng LGU-Pandi.
Ayon kay Mayor Enrico Roque, layunin ng programa na mabigyan ng pagkakataon ang mga empleyado na makapag-aral ng abogasya nang walang hadlang sa pananalapi, na nagbibigay-daan sa kanila na mapaglingkuran ang mga mamamayan ng Pandi nang mas mahusay. RNT/MND