Home METRO Barangay tanod, italaga sa mga pampublikong paaralan para sa kaligtasan ng mga...

Barangay tanod, italaga sa mga pampublikong paaralan para sa kaligtasan ng mga estudyante -DILG

316
0

MANILA, Philippines – Dapat magtalaga ng mga barangay tanod sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa ngayong pasukan upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral, sinabi ng Department of Interior and Local Government (DILG) nitong Martes.

Sa pamamagitan ng DILG Memorandum Circular 2025-072, ang mga barangay ay inaatasan na makipagtulungan sa mga paaralan ng Department of Education (DepEd) sa kanilang nasasakupan at italaga ang kanilang mga bantay na gawin ang mga sumusunod:

-Pamahalaan ang trapiko sa pagdating at pagpapaalis ng mga mag-aaral 

-Mag patrolya sa lugar ng paaralan at mga kalapit na lugar na madalas puntahan ng mga mag-aaral 

-Subaybayan at iulat ang mga insidente na maaaring magbanta sa kaligtasan 

-Gawin ang iba pang mga tungkuling naaayon sa batas na itinalaga ng kapitan ng barangay o ng pulisya upang matiyak ang kaligtasan sa school zones

Bukod sa deployment, hinimok din ng DILG ang mga alkalde ng lungsod at munisipyo na magbigay ng buong logistical support sa kanilang mga barangay para sa pagpapatupad ng inisyatiba.

“Authorized under Republic Act No. 7160 or the Local Government Code of 1991, tanods serve as community service units to assist in peace and order efforts,” ayon sa ahensya.

“This school safety drive builds on their existing mandate under DILG Memorandum Circular 2024-086, which includes patrolling communities, securing high-risk areas, preventing crime, and assisting in traffic management,” dagdag pa nito. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here