Home NATIONWIDE Atty. Vic Rodriquez, pinadidisbar!

Atty. Vic Rodriquez, pinadidisbar!

255
0

MANILA, Philippines – Naghain ng disbarment case sa Korte Suprema ang isang law student laban kay dating Executive Secretary Vic Rodriquez dahil sa paglabag sa tungkulin bilang abogado nang isiwalat ang mga kumpidensyal na usapin ng administrasyong Marcos sa kanyang aklat na “Kingmaker, The Hard Copy”.

Ayon kay Jason Binay Suarez, totoo man o hindi ang mga isiniwalat ay malinaw umano na may kinalaman ito sa pansariling iteres at ambisyong pulitika.

“Hindi ako naghahanap ng gulo sa pulitika, kundi humihingi ng gabay mula sa kagalang-galang na Hukuman para turuan ang mga kagaya kong magiging abogado balang araw sa mga pamantayan ng integridad, katapatan at propesyonalsimo na dapat naming sundin,” saad ni Suarez.

Sinabi ni Suarez na maituturing din itong paglabag sa Code of Professional Responsibility and Accountablity na nagbabawal sa mga abogado na ibunyag ang lihim ng kanilang mga kliyente.

Binigyang-diin din ni Suarez na hindi lang nakakasira sa tiwala ng kliyente ang ganitong gawain kundi sa tiwala ng publiko sa propesyon ng abogasya lalo na kung galing sa taong malapit sa pinakamataas na posisyon sa gobyerno.

Si Suarez ay pamangkin umano ni dating Vice President Jejomar Binay. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here