Home METRO MWP huli sa manhunt

MWP huli sa manhunt

199
0

MANILA, Philippines – Swak sa selda ang isang most wanted criminal sa naganap na manhunt operation sa Caloocan City, kahapon, Agosto 12.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting District Director P/BGen. Jerry Protacio, sinabi ni Caloocan Police OIC Chief P/Col. Joey Goforth na si alyas “Jon-Jon Bangaw”, 39, ay nakatala bilang No. 1 Most Wanted Person sa Caloocan CPS at No. 2 MWP naman sa NPD.

Nang makatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) hinggil sa kinaroroonan ng akusado, agad ikinasa ng mga ito ang pagtugis sa kanya, katuwang ang mga tauhan ng “Oplan Bulabog”.

Bandang alas-11:45 ng gabi nang tuluyang makorner ng mga tauhan ni Col. Goforth si alyas Jon-Jon Bangaw sa kanyang tinutuluyan sa Barangay 120 ng lungsod.

Ang akusado ay binitbit ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong December 19, 2024, ng Regional Trail Court (RTC) Branch 128, Caloocan City para sa kasong Murder na walang inirekomendang piyansa.

Pansamantalang nakapiit ang akusado sa custodial facility unit ng IDMS-WSS ng Caloocan police habang hinihintay ang commitment order mula sa korte para sa paglilipat sa kanya sa City Jail. Merly Duero

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here