Home NATIONWIDE PPA: Planong pagtaas ng terminal fee sa pantalan ng Asian Terminals Inc....

PPA: Planong pagtaas ng terminal fee sa pantalan ng Asian Terminals Inc. ipinagpaliban

255
0

MANILA, Philippines – Pansamantalang ipinagpaliban muna ang aplikasyon ng Asian Terminals Inc. para sa planong pagtataas ng terminal fee sa pantalan.

Ito ay bilang tugon sa nararanasang State of Claamity sa Oriental Mindoro at base na rin sa kautosan ni Philippine Ports Authority General Manager Jay Santiago.

Ayon sa PPA, mula sa P30, plano sanang itaas ito sa P100 ang terminal fee adjustment.

Nagsagawa na rin ng public consultation sa pagtataas ng presyo ng terminal fee kasama ang mga ektor na maapektuhan, ang lokal na pamahalaan, private sector at ang mga regular na pasahero, upang mapag-aralan munang mabuti ang epekto nito sa mga konsyumer ng pinakamalaking pantalan sa Pilipinas.

Diin ni Santiago, nagpapatuloy din ang koordinasyon ng PPA sa lokal na pamahalaan at kaugnay na ahensya upang maipatupad an g mga khakbang na makakatulong sa mas mabilis na rehabilitsasyon at pagbangon ng mga apektadong lugar dahil sa nagdaang bagyo.

Tiniyak ni Santiaho na pag-aaralan nilang mabuti ang hiling na terminal fee adjustment para mabalanse ang magiging epekto nito.

Ang Batangas Port ay may capacity na hanggang walong libong pasahero. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here