Home NATIONWIDE Comelec patuloy na naghahanda sa BARMM polls

Comelec patuloy na naghahanda sa BARMM polls

212
0

MANILA, Philippines – Nagpapatuloy ang preparasyon ng Commission on Elections (Comelec) para sa BARMM elections kung saan nagsimula nang maglatag ng checkpoints at nakikipag-ugnayan sa pulisya at militar upang masiguro na ligtas ang publiko sa panahon ng kampanya.

Sinabi rin ni Comelec Chairman George Garcia na ang Comelec ay hindi pa nagdedeklara ng anumang lugar sa Bangsamoro ng election hospot.

Sinabi pa ni Garcia na tatawag ng isang ‘extremely urgent’ meeting kasama ang pitong accredited na Bangsamoro regional parties at election watchdogs sa susunod na linggo upang talakayin ang “none of the above’ opstion sa balota.

Ang halalan sa Bangsamoro ay na-reset mula May 12 sa Oktubre 13, 2025 matapos lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Pebrero bilang batas ang hakbang na nagpapaliban sa kauna-unahang parliamentong halalan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here