Home NATIONWIDE DMW: Ipinatapon na Filipino seafarers, inakusahan ng child pornography

DMW: Ipinatapon na Filipino seafarers, inakusahan ng child pornography

277
0

MANILA, Philippines – Naisiwalat sa pagsisiyasat ng Department of Migrant Workers (DMW) na ang mga ipinatapon na Filipino seafarer na inakusahan ng paggamit ng child phornography ay hindi basta-basta pinili ng US Customs and Border Protection (CBP).

Ayon kay DMW Undersecretary Bernard Olalia, sila ay ‘partikular’ at ‘katergoryang kinilala’ ng mga ahente ng CBP.

Ibinahagi ni Olalia ang mga natuklasan ng ahensya sa Senate committee on migrant workers inquiry sa napaulat na hindi makatarungang pagpapatapon ng mga Filipino cruise ship workers.

Dumalo sa pagdinig ang na-deport na crew ng Carnival Sunshine cruise ship.

Ayon sa kanya, ipinatapon ang mga manggagawang Pinoy ng Carnival Sunshine dahil may access umano sila sa mga pornographic materials sa US.

Sinalakay ng CBP ang barko habang nakadaong sa port of Norfolk, Virginia noong Hunyo 28.

Isa sa napauwi sa Pilipinas si Earlson Jasmer Gamboa, na ipinatawag at inimbestigahan na itinanggi ang akusasyon.

Nang tanungin ni Senador Raffy Tulfo na siyang chairman of the committee kung papaano nalaman ng CBP na may access ang mga seafarers sa pornography, binanggit ni Olalia na mayroong 1,000 Filipino workers pero hindi lahat ay inimbestigahan o isinailalim sa inspeksyon ng CBP.

Ayon kay Gamboa, nagtatrabaho siya nang hannapin siya ng CBP.

Sinabi rin ni Olalia na ang napauwing Filipino seafarers ay hindi nabigyan ng due process dahil hindi sila naabisuhan ng kanilang karapatan sa consular representation gaya ng nakasaad sa Article 36 ng Vienna Convention.

Ayon pa sa opisyal, hindi man lang ipinaalam sa Konsulado ng Pilipinas na ang mga seafarer ay ikinulong, kinapanayam at ipinatapon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here