Home SPORTS Chezka Centeno silver sa World Games

Chezka Centeno silver sa World Games

264
0

ISANG hakbang na lang sana sa gintong medalya ang bilyarista na si Chezka Centeno sa 2025 World Games, ngunit nabigo siya sa kamay ni Han Yu ng China, 7-6, sa women’s 10-ball final sa Chengdu, China.

Isang pagkakamali sa safety shot sa 1-ball ang nagbigay ng pagkakataon kay Han na tapusin ang rack at makuha ang gintong medalya.

Nauna pang lumamang si Centeno, 6-5, bago maitabla ni Han ang laban at tuluyang maagaw ang panalo.

Sa kabila nito, nakapag-uwi pa rin si Centeno ng pilak, na siyang ikalawang silver medal ng Pilipinas sa World Games ngayong taon, kasunod ng kay Kaila Napolis sa ju-jitsu.

Nakakuha rin ng tansong medalya si Carlos Baylon sa wushu sanda 56kg.
Matatandaang natalo rin si Centeno kay Han sa group stage sa parehong iskor na 7-6, ngunit nakalusot siya sa knockout stage matapos talunin si Savannah Easton ng USA, 7-2.GP

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here