Home ENTERTAINMENT Joey, nagsalita sa pagtanda, di magiging pabigat!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Joey, nagsalita sa pagtanda, di magiging pabigat!August 14, 2025 11:022640 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Napakataas ng pagpapahalaga ni Joey Marquez sa kanyang sarili lalo’t sa usapin ng pagiging ama.For the record, umabot na sa 16 ang kabuuang bilang ng kanyang mga anak sa iba’t ibang babaeng dumaan sa kanyang buhay.Dalawa doon ay magiging abogado in the near future.Sa kanyang guesting kamakallan sa Fast Talk with Boy Abunda, iginiit ng aktor na “responsibility” ang pagkakaroon niya ng mga anak.He doesn’t look at his children as investment.Natalakay kasi ang tungkol sa panukalang batas na kailangang kalingain ng anak ang kanyang magulang lalo sa pagtanda nito.Personally, hindi raw sang-ayon si Joey dito.Aniya, walang obligasyon ang anak sa kanyang mga magulang pero marapat na mahalin niya’t igalang ang mga ito.Inia-apply nga niya ang paniniwalang ito sa kanyang mga anak.Pagtanda raw niya o di kaya’y dapuan ng karamdaman, never daw siyang lalapit o hihingi ng tulong sa kanyang mga anak.Kung kinakailanga’y kahit tumira na lang daw siya sa kalye ay walang problema.Batid ni Joey na maaaring hindi sasang-ayon ang marami sa kanya, pero ayaw daw niyang maging pabigat sa mga anak niya. Ronnie Carrasco III