Home NATIONWIDE NPA kinondena ni VP Sara sa pagkasawi ng tatlong sundalo

NPA kinondena ni VP Sara sa pagkasawi ng tatlong sundalo

255
0

MANILA, Philippines – MARIING kinondena ni Vice President Sara Duterte ang New People’s Army (NPA) matapos na masangkot ito sa isang engkuwentro sa Oriental Mindoro na nauwi sa pagkasawi ng tatlong sundalo.

Ang mga nasawing tropa ng sundalo sa engkuwentro sa bayan ng Baco na itinuring ng military bilang mga NPA “remnants” ay kinilalang sina Captain Marky John Alberto, Corporal Charlie Legaspi, at Private Julian R. Oracion ng 1st Scout Ranger Regiment.

“The deaths of our soldiers at the hands of NPA terrorists are a sign of the danger of the insurgency,” ang sinabi ni VP Sara sabay sabing NPA“I condemn the violence of the NPA and it is only right that all Filipinos who dream of living a righteous, secure, and peaceful life—and who are working hard to fulfill this dream—should condemn it.”

Sa kabilang dako, sa naging pahayag naman ni Army spokesperson Col. Louie G. Dema-ala, binigyang-pugay ang tatlo bilang mga tunay na bayani.”

Their bravery is a testament of their commitment to their sworn duty to protect the Filipino nation against any form of terrorism and violence,” aniya.

Hindi pa isiniwalat ang buong detalye ng operasyon, ngunit bahagi ito ng patuloy na kampanya ng militar upang supilin ang armadong kilusan sa rehiyon. Ang Pilipinas ay may tinaguriang longest-running communist insurgency sa mundo, na patuloy na nagdudulot ng hamon sa seguridad at kapayapaan sa iba’t ibang probinsya.

Nagpahayag naman ng pakikiramay ang Philippine Army sa mga pamilya ng tatlong sundalo at tiniyak na kanilang ipagpapatuloy ang laban upang tuparin ang misyon na pinangarap at ipinaglaban ng mga nasawi. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here