Home NATIONWIDE TINGNAN: Pahayag ni Sen. Erwin Tulfo sa e-gambling sa senate hearing ng...

TINGNAN: Pahayag ni Sen. Erwin Tulfo sa e-gambling sa senate hearing ng Committee on Games and Amusement

186
0

“End online gambling” ito ang sigaw o naging pahayag ni Senate Committee on Games and Amusement Senador Erwin Tulfo sa kanyang opening statement sa pagdinig ukol sa negatibong epekto ng online gambling sa bansa.

Ayon kay Tulfo kung siya ang tatanungin mas makakabuti para sa kanya na i-ban at gawing illegal ang online gambling dahil sa ito ay salot na sumisira sa mga tahanan na nagkaka watak-watak ang mga pamilya at sumisira sa buhay ng mga kabataan.

Walang aniyang paki si Senador Erwin kung legal o illegal ang online na sugal dahil nakakasira ito sa mga kababayan dahil sa adiksyon na dulot nito.

Aniya maraming buhay ang nasira ang pamilya , pag aaral at maging trabaho ay nasisira sa online na sugal at mga ilan narin ang kinitil ang sariling buhay.

Kinalampag ni Senador Erwin Tulfo ang Pagcor sa mga negatibong epekto ng online gambling, na hindi aniya mahalaga ang bilyon pisong kikitain ng gobyerno kung masisira naman ang buhay ng mga nalululong dito.

Ipinunto pa ni Tulfo na pinagbawalan natin ang POGO naglipatan naman sa PIGO na mga kapwa mga Pilipino ang biktima na mas malala pa ang epekto.


Maging ang DICT ay kinalampag din ni Senador Erwin kung bakit pinabayaan at naging kasangkapan pa ng online gambling companies.

Maging ang mga otoridad ay binatikos rin ng mambabatas kung bakit tila natutulog sa kangkungan sa laban sa illegal online gambling.

Dagdag pa ni Erwin na kahit bilyon ang kinikita ng pamahalaan wala parin itong saysay sa mga nasisirang kabuhayan at hindi dapat na gawing playground ng gambling syndicate ang Pilipinas kung kayat nararapat na tapusin na ang operasyon ng online gambling sa bansa. CESAR MORALES

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here