Daan-daang raliyista ang nagtipon sa harapan ng Asian Development Bank sa Mandaluyong City, Agosto 14, 2025 upang upang iprotesta ang minamadaling Energy Policy Review at ipinawagan angisang patas, transparent, at tunay na makataong polisiya sa enerhiya.

Tampok sa protesta ang sagupaan ni Ultraman—kumakatawan sa mga komunidad at civil society groups na isinusulong ang makatarungang transisyon—at ng ADB Kaiju, na sumisimbolo sa pagtutulak ng bangko sa coal, gas, at mga huwad na solusyong pang-enerhiya gaya ng nuclear, critical mineral mining, at co-firing technologies. Cesar Morales







