MANILA, Philippines – Naglaan ang pamahalaan ng ₱11 bilyon para sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged Workers (TUPAD) ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa 2026, mula sa kabuuang ₱44.38 bilyon na pondo ng ahensya sa ilalim ng ₱6.79-trilyong National Expenditure Program.
Nagbibigay ang TUPAD ng 10-araw na trabaho sa paglilinis ng komunidad, pag-aalis ng debris, at pagsasaayos ng pampublikong imprastraktura, na may bayad batay sa pinakamataas na minimum wage sa rehiyon.
Kasama ng Government Internship Program, makakatanggap ito ng ₱12.24 bilyon — mas mababa sa ₱18 bilyon ngayong taon.
Tatanggap din ang TESDA ng pondo para sa mga scholarship, kabilang ang Training for Work (₱4.34B), Special Training for Employment (₱1.62B), at technical-vocational training (₱5.05B), pati ₱300M para sa Bagong Pilipinas Merit Scholarship at ₱1.65B para sa Tulong Trabaho Program. RNT