Home METRO Mag-asawa tigok sa araro ng bus sa N. Ecija

Mag-asawa tigok sa araro ng bus sa N. Ecija

240
0

MANILA, Philippines – Patay ang mag-asawa matapos araruhin ng isang bus ang kanilang karinderya sa Barangay Santo Rosario, Santa Rosa, Nueva Ecija nitong Miyerkoles ng madaling araw.

Base sa imbestigasyon, abala ang mag-asawa sa paghahanda ng kanilang kainan bandang alas-1 ng umaga nang bumangga ang bus, na nakasira rin ng ilang tindahan at sasakyan.

Kritikal ang kalagayan ng driver ngunit ligtas ang lahat ng pasahero.

Patuloy ang imbestigasyon at posibleng maharap sa kaso ang driver. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here