Home METRO BSP, binulabog ng bomb threat

BSP, binulabog ng bomb threat

230
0

MANILA, Philippines – Rumesponde ang Manila Police District (MPD) sa banta ng pambobomba na ipinadala sa email ng ilang empleyado ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) nitong Huwebes.

Ayon sa pulisya, galing umano ang mensahe sa isang “Hiroaki Yamanoka,” na nagpakilalang Japanese lawyer, at nagbabala ng pagsabog sa pampublikong transportasyon bandang 3:34 p.m. Ayon sa MPD, nagsagawa ng masusing paghahalughog ang Explosive and Canine Unit sa paligid ng BSP ngunit walang natagpuang bomba o mapanganib na materyales.

Pinayuhan ang BSP na higpitan ang seguridad, habang inatasan ang lahat ng hepe ng istasyon ng pulis na magdoble-bantay sa pampublikong transportasyon at mataong lugar.

Isinumite na ang kaso sa Anti-Cybercrime Team para sa mas malalim na imbestigasyon, at magpapatupad ng mas mahigpit na seguridad kasama ang mga transport group at iba pang ahensya. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here