MANILA, Philippines – Magdudulot ng maulap na kalangitan at kalat-kalat na pag-ulan sa Southern Luzon, Visayas, at Mindanao ngayong Biyernes ang Southwest Monsoon o Habagat, ayon sa PAGASA.
Asahan ang kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa Metro Manila, Visayas, MIMAROPA, Bicol Region, CALABARZON, Central Luzon, Zamboanga Peninsula, BARMM, Northern Mindanao, Caraga, at Pangasinan. Posible ang flash flood o landslide dahil sa katamtaman hanggang malakas na ulan.
Bahagyang maulap hanggang maulap ang kalangitan sa nalalabing bahagi ng Mindanao dahil sa Habagat, habang ang natitirang bahagi ng Luzon ay makararanas ng katulad na kondisyon dulot ng localized thunderstorms. Parehong may banta ng pagbaha o pagguho ng lupa kapag may malakas na bagyo.
Katamtamang hangin mula timog-silangan hanggang silangan ang mararanasan sa Hilagang Luzon, na may katamtamang taas ng alon. Sa iba pang bahagi ng bansa, bahagya hanggang katamtamang hangin mula timog hanggang timog-kanluran at banayad hanggang katamtamang taas ng alon. RNT