Home HOME BANNER STORY Nadia Montenegro nakaladkad sa Senate ‘tsongke’ incident

Nadia Montenegro nakaladkad sa Senate ‘tsongke’ incident

223
0

MANILA, Philippines – Tinukoy ang aktres na si Nadia Montenegro, staff ni Senador Robin Padilla, sa ulat ng Senate Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA) kaugnay sa sinasabing ‘marijuana’ o ‘tsongke’ incident sa Senado.

Ayon sa security personnel na si Victor Patelo, dalawang insidente ng “hindi pangkaraniwang amoy” mula sa ladies’ comfort room ang naitala — isa noong Hulyo at isa noong Agosto 12, kung saan sinabi ng empleyado mula sa opisina ni Senador Ping Lacson na amoy marijuana ito at si Montenegro lamang ang nasa lugar.

May be an image of text

Mariin namang itinanggi ni Montenegro ang paggamit ng marijuana ngunit inamin na may vape siya sa bag, na aniya’y posibleng sanhi ng amoy.

Iniutos nina Senate President Chiz Escudero at ng opisina ni Padilla ang imbestigasyon.

Kinumpirma ng chief of staff ni Padilla na natanggap nila ang ulat at inutusan si Montenegro na magsumite ng nakasulat na paliwanag sa loob ng limang araw. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here