Home NATIONWIDE Sen. Marcoleta sa bumiro sa kanyang mukha: Napaka-walang hiya

Sen. Marcoleta sa bumiro sa kanyang mukha: Napaka-walang hiya

317
0

MANILA, Philippines – Nagpahayag ng galit si Senador Rodante Marcoleta sa isang pagdinig matapos biruin ang kanyang mukha sa isang concert, na tinawag niyang “napaka walang hiya.”

Hindi niya pinangalanan ang komedyante, ngunit sa viral video, si Vice Ganda ang gumamit ng linya.

“Pati po ako ay kanyang idinawit. Bigla ba naman niyang sinabi, ‘Tignan n’yo yung mukha ni Marcoleta kung matatawa kayo’,” ani Marcoleta.

“Napaka walang hiya n’ung tao na ‘yon. Ayaw ko na lang siyang patusin,” aniya pa.

Sa parehong skit, nagbiro rin si Vice Ganda tungkol kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, binanggit ang “jet ski holiday” patungong The Hague para sa DDS.

Dahil dito, naglabas ng resolusyon ang Davao City Council na kumukondena sa biro at nagpupuri sa mahabang serbisyo publiko ni Duterte at sa kanyang papel sa pagbabago ng Davao City bago maging ika-16 na Pangulo. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here