MAKILALA, North Cotabato — Dalawa ang patay at dalawang pulis ang sugatan sa barilan sa loob ng compound ng isang negosyante sa Barangay Bulakanon nitong Huwebes ng madaling araw.
Ayon sa pulisya, nagsisilbi sila ng search warrant laban kay agricultural trader Ramon Floresta para sa ilegal na pagmamay-ari ng baril nang magsimula ang putukan. Patay ang dating sundalong sina Jovito Regidor Roa at Paul Lacorte Pedroso, na nagsisilbing security ni Floresta.
Sugatan sina Corporal Jayson Jungco at Patrolman Christian Neyra. Inaresto si Floresta at nakumpiska ang ilang baril, granada, at bala, ngunit itinanggi niya ang pagmamay-ari nito. Siya ay nasa kustodiya ng pulisya. RNT