MANILA, Philippines – Dalawang lalaki ang naaresto at nasamsam ang ₱1.6 milyong halaga ng smuggled na sigarilyo sa checkpoint sa Barangay Sta. Catalina, Zamboanga City, madaling araw ng Agosto 15.
Ayon kay Lt. Col. Melvin Laguros ng PNP Regional Maritime Unit, nakatago ang 557 reams ng sigarilyo sa loob ng wing van na may label na “parcels” at galing sa isang bodega sa barangay para ihatid sa iba’t ibang lugar sa lungsod.
Iginiit ng mga suspek na hindi nila alam ang kargamento dahil sa “no touch policy” sa bodega. Sinabi ni Laguros na bahagi ito ng pinaigting na kampanya kontra smuggling upang maprotektahan ang ekonomiya, kalusugan ng publiko, at patas na kalakalan. RNT