Home TOP STORIES 1 utas sa nadiskaril na tren sa Denmark

1 utas sa nadiskaril na tren sa Denmark

227
0

DENMARK – Patay ang isa at ilang tao pa ang sugatan nang mabangga ng isang tren ang isang sasakyang patawid sa isang rail road crossing, na nagdulot ng pagdiskaril nito noong Biyernes, ayon sa pulisya ng Denmark.

Sa ulat at larawang inilabas ng Danish TV2 mula sa eksena makikita ang isang bagun ng tren na humiwalay at natumba.

Sinabi ng pulisya ng Southern Jutland region ng Denmark, na sa 95 katao na sakay ng tren, isa ang namatay, at ilan ang nasugatan.

Dahil sa insidente, ang pambansang railway operator ng Denmark, ang DSB na pag-aari ng estado, ay hiwalay na nagsabi na itinigil nito ang lahat ng paglalakbay sa pagitan ng mga bayan ng Kliplev at Tinglev malapit sa hangganan ng Denmark sa Germany. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here