Home METRO Nanay, arestado sa P45-K online baby selling

Nanay, arestado sa P45-K online baby selling

265
0

BATANGAS, Philippines – Arestado ang isang ina sa isang ospital sa Tanauan, Batangas matapos tangkaing ibenta online ang kanyang dalawang linggong sanggol sa halagang P45,000.

Ayon sa ulat, nailigtas din ng Philippine National Police’s Women and Children Protection Center (PNP-WCPC) ang isang taong gulang na anak ng suspek.

“Ang inaalok niya lang talaga ay yung two-weeks-old na baby boy. But then nakita namin na may one-year-old na child-at-risk, so ni-rescue na rin ng aming team,” ayon kay PNP-WCPC public information officer Police Major Shari Vanessa Deseo.

Ang suspek ay naaresto sa isang entrapment operation kung saan ang undercover agent ay kailangang magbayad ng P25,000 para sa mga bayarin sa ospital at P20,000 para sa pag-aampon ng sanggol, sabi ni Deseo.

Ngunit sinabi ng suspek na wala siyang ibang magagawa kundi ibenta ang kanyang sanggol dahil sa kawalan ng pera.

“Hindi ko naman po talagang gustong mangyari yan sa anak ko, kasi single parent po ako. Napilitan lang po ako kasi gusto kong mabayaran yung bill namin kasi wala akong mali,” paliwanag ng ina.

Sa bahagi nito, nagbabala ang PNP-WCPC na ang pagbebenta ng mga sanggol online ay may parusa sa batas.

“Ang penalty na imposable dito ay pwedeng life imprisonment depende sa gravity of offense…Hindi lang yung nagbebenta ng baby ang napaparusahan dito, but also yung bumibili ng mga babies na wala sa proseso,” saad ni Deseo.

Nasa pangangalaga na ng Department of Social Welfare and Development ang dalawang anak ng suspek. Samantala, sinampahan din ng kasong paglabag sa Trafficking in Persons Act ang suspek. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here