Ganitong lebel ng pag-alala ang post ng mga netizens na worried sa kapayatan ng Kapuso actress.
Ibinase nila ito sa finlex na larawan ni Beauty sa kanyang social media account, pati na sa Instagram Reel kung saan kasama niya ang kanyang nine year-old daughter na si Olivia Ines Crisologo.
Umiindak ang mag-ina to the tune of My Sharona.
In a separate photo, lutang ang slimmer figure ni Beauty in her two-piece red bikini.
Doon na nag-worry ang mga netizens.
May health problem nga ba siya?
Beauty was open to reveal the reason behind it.
Galing pala siya sa India for a 200-hour yoga training.
Dahil daw dito kung kaya’t she feels a lot lighter and healthier, bagay na hindi raw niya naranasan noon.
Pinawi rin ni Beauty ang pag-alala ng mga netizens.
Sa showbiz circles pa naman, pag pumapayat ang isang artista ay…alam na!
But not in Beauty’s case na ayon nga sa kanya took her discipline to achieve her desired figure. Ronnie Carrasco III