Home ENTERTAINMENT Jowa ni Bea, good shot sa netizens!

Jowa ni Bea, good shot sa netizens!

128
0

Manila, Philippines – Let’s face it: kasamang “kinarelasyon” ni Vincent Co ang estado ni Bea Alonzo.

Hindi limgid sa kaalaman ng Pinoy na nasa mataas na lebel ang kalagayan ni Bea bilang aktres–close to being a superstar.

Ang maganda rito–Vincent is well aware of it.

Kaya naman puring-puri si Vincent ng mga taong nakakakita sa kanya with Bea.

Hindi raw kasi ito maepal o feeling kasing sikat ng nobya.

Proof ay noong magkasama silang nanood ng Superdivas concert nina Regine Velasquez at Vice Ganda sa Araneta Coliseum.

Pumasok kasi ang magkassintahan sa isang resto sa Gateway Mall 2.

Natural, nabulabog ang resto!

Fans inside the resto sort of went into panic at ‘di magkamayaw na nagpakuha ng litrato with Bea.

Ang ginawa ni Vincent, he stepped aside and gamely allowed Bea to interact with her fans.

Maging sa mismong concert ay magkatabi sila, pero hindi gumawa si Vincent ng paraan to get noticed by Vice Ganda who acknowledged the actress’ presence.

Tinapos nila ang concert, and to avoid getting mobbed ay sa back exit sila dumaan dahil naroon ang SUV they’d ride back home.

Obyus na sinasanay na ni Vincent ang sarili na makitang pinagkakaguluhan ang kanyang girlfriend, o sanay na? Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here