Home ENTERTAINMENT DDS, hindi raw tatantanan si Vice!

DDS, hindi raw tatantanan si Vice!

258
0

Manila, Philippines – Dinamay ng mga taga-suporta ng dating pangulo na si Rodrigo Duterte ang nanay ni Vice Ganda na si Nanay Rosario Viceral sa galit nila sa komedyante.

May mga nag-aakusa kay Nanay Rosario na hindi raw niya napalaki nang maayos ang kanyang anak at hinahayaan lang daw nito na bastusin at gawing katatawanan ang dating presidente na nakakulong ngayon sa The Hague, Netherlands.

Hndi raw makatarungan ang ginawang pang-ookray ni Vice kay Duterte sa “Super Divas” concert nila ni Asia’s Songbird Regine Velasquez sa Araneta Coliseum last August 8 at 9.

Ang nangyari, sa isang production number, kumakanta si Regine ng chorus ng Hold My Hand ni Jess Glyne, ang sikat na background music ngayon na ginagamit sa TikTok para sa viral na “Jet 2 Holiday”.

Kasunod nito, bigla ngang umapir sa stage si Vice at ginawa itong “Jetski Holiday.”

“Nothing beats a jet ski holiday, right now from Manila to the West Philippine Sea via jet ski. Get unlimited water bombing from Chinese vessels and a free trip to The Hague by the ICC.

“Promo applies to DDS only. Pinklawans and BBMs are prohibited. Huwag ninyo akong subukan, mga put*** ina n’yo!” ang hirit ni Vice na inalmahan nga ng mga DDS at pati nga ang ina nito ay nadamay na nga.

To the rescue naman ang kaibigan ni Vice na si Pokwang.

Nanawagan at nakiusap ito sa mga DDS na itigil na ang pamba-bash kay Nanay Rosario dahil wala naman daw itong kinalalaman  sa isyu.

Sa pamamagitan ng kanyang X account, sabi ni Pokwang, “Wag naman po tayong ganyan! Kung may na-offend man sa joke ni Vice, wag naman po idamay ang nanay kasi hindi naman artista or politiko ang kanyang ina.”

Patuloy pa niya, “Kaming mga artista at politiko ay tanggap namin na naba-bash kami kahit minsan masakit, wag naman si nanay Rosario please.”

May mga nagsasabi naman na hibdi magappaawat ang mga DDS at hindi raw tatantanan si Vice. Rommel Placente

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here