Home ENTERTAINMENT Jillian, may nilinaw sa mga napundar!

Jillian, may nilinaw sa mga napundar!

287
0

Manila, Philippines – Malisyoso ang dating ng mga ispekulasyon kung bakit nakapundar si Jillian Ward ng mga mamahaling sasakyan.

Sa kauna-unahan ngang pagkakataon, nilinaw ng Kapuso actress ang tungkol dito.

Sixteen years old pa lang daw siya when malicious talks began to go around.

At 20, this is Jillian’s first time to address the issue.

Ipinaalala niya that as early as 2 ay nagatrabaho na siya.

She started appearing in TV commercials: “Naka-diaper pa lang ako, nagtatrabaho na ako!”

Jillian didn’t know how to read then either.

At age 5 nang magkaroon na siya ng showbiz career.

She traces her roots to GMA na hanggang sa magdalaga siya’y hindi siya nawawalan ng offers.

Giit pa niya, kung ano raw ang meron siya’y deserve niya ‘yon because of hard work, at hindi dahil sa gustong palabasin ng mga naglipanang fake news.

Maging ang magarbo kasi niyang debut ay kinuwestyon din.

“Pinag-ipunan ko po ‘yon from my tapings at may nakihati sa akin sa gastos ko,” depensa pa niya.

Pakiusap pa ng aktres, tingnan daw sana ng kanyang mga bashers ang hard work that she puts in before spreading baseless news.

In fairness naman, malinis ang track record ni Jillian! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here