Home ENTERTAINMENT Gladys, nagpaliwanag sa pag-manage sa sariling anak!

Gladys, nagpaliwanag sa pag-manage sa sariling anak!

268
0

Manila, Philippines – May mga nagprisintang mag-manage sa career ni Christophe Sommereux pero ang ina mismo na si Gladys Reyes ang namamahala o nagma-manage dito.

Common knowledge na rin na anim na taon pa lang ay nasa showbiz na si Gladys kaya alam na ng aktres ang pasikot sikot dito, huh!

At ngayon ngang nasa show business na rin ang panganay na lalake bilang isang singer at songwriter sa pamamahala ng Star Music ay si Gladys na rin ang tumatayong talent manager nito.

Katuwang pa rin naman ni Gladys ang Star Magic para sa showbiz career ng  pa­nganay nilang anak ni Christopher Roxas.

“Siguro kung merong medyo nakakaalam sa pasikut-sikot dito, isa na ako do’n dahil six years old ako when I started.

“‘Yung sa akin is ‘yung gui­dance lang, ‘yung gabay of course with (Star Magic), panatag ako eh.

“Alam ko naman na hindi nila pababayaan si Christof. ‘Yung sa akin is bilang magulang lang din and at the same time na bilang nasa industry ako,  kung maaa­ring hindi na niya pagdaanan ‘yung mapapahamak pa siya, magkakamali siya, bakit hindi pa natin i-guide.

“Kumbaga bigyan natin ng short cut kaysa long cut. Makakasalamuha ka pa ng mga taong mapagsamantala, ‘di ba?

“Kaya importante talaga na ‘yung concern mo hindi lang bilang magulang and at the same time concern ka do’n sa karera niya,” mahabang salaysay at paliwanag pa ni Gladys.

Sa mga anak ni Gladys at Christopher, naramdaman niya na mahilig sa showbiz ang tatlo niyang lalaki at isang babae pero mas desidido raw ang panganay na lalaki at bunso, huh!

Samantala, ipinagmamalaki ni Gladys na talagang ramdam daw ng buong pamilya nila ang pagmamahal ng bawat isa.

“Hindi kami ‘yung nahihiyang mag-‘I love you.’ Hindi kami nahihiyang mag-‘thank you’ sa isa’t isa. ‘Di ba minsan may gano’ng mother-son na parang nahihiyang mag-express ng feelings. Pero kami ng mga anak ko parang nasanay sila eh.

“Si­guro nakikita rin nila sa amin ng daddy nila na hindi mo kailangang mag-I love you kung meron lang okasyon, ‘pag kaila­ngan mong magbigay ng message ‘di ba. Gawin mo ‘yon pag nararamdaman mo talaga,” sey pa rin ni Gladys.

Dagdag pa rin ng premyadong aktres na hindi raw natin hawak ang kapalaran natin. Kumbaga, hindi natin alam kung ano ang mangyayari sa mga susunod na araw, huh!

Kaya dapat lang na araw araw ay ipadama mo yung pagmamahal sa bawat isa, huh!

“Whenever you feel it, okay lang because life is unpredictable. Hindi natin alam kung ano’ng pwedeng mang­yari kaya hangga’t maipapakita mo yung love mo sa pamilya, gawin mo kahit gaano kadalas, “ sey pa ng aktres na may dalawang nominasyon sa 37th Star Awards for TV.

Nominado si Gladys bilang Best Supporting Actress sa role niya sa seryeng “Black Rider” ng GMA7 at Best Comedy Actress sa “One for All. All for One.”

Nakatanggap din ng nominasyon ang bunsong anak na si Grant Summereux bilang Best Child Performer at si Christophe Sommeruex naman sa Best New Male TV Personality para pa rin sa “One for All, All for One.” Jimi Escala

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here