Home ENTERTAINMENT Netizens, sinabihang ‘foul’ si Bayani kay Alex!

Netizens, sinabihang ‘foul’ si Bayani kay Alex!

246
0

Manila, Philippines – Sa bagong game show ni Toni Gonzaga na Ang Tanong ay naging players dito ang mga komedyanateng sina Bayani Agbayani, Isko Salvador o Brod Pete at Eric Nicolas.

Bago nagsimula ang naturang episode ay inalala muna ni Toni ang mga pinagsamahan nilang mga proyekto ni Bayani.

Sabi ng aktres at TV host, nakatrabaho niya si Bayani sa Home Swetie Home ng ABS-CBN kung saan mag-asawa ang role nila rito ni John Lloyd Cruz.

Pero mas madalas daw makatrabaho ni Bayani ang nakababata niyang kapatid na si Alex.

Pagkarinig nu’n, sabi ni Bayani, “Oo. Saka ang kapatid mo ibang-iba sa ‘yo. Napakatalino mo. ‘Yung kapatid mo saksakan ng bobo.”

Ayon pa kay Bayani na natatawa, sobrang ingay daw ni Alex. Wala naman daw laman ang utak nito, puro lang daw  satsat.

Kung makakarating kay Alex ang pagtawag sa kanya ni Bayani ng bobo, sigurado kaming hindi siya mao-offend.

Close naman kasi sila ng komedyante kaya kayang-kaya siyang biruin nito.

Matagal nang magkaibigan sina Alex at Bayani at madalas silang nagbabardagulan sa kanilang mga naging shows tulad na lang sa I Can See Your Voice at Tropang LOL.

Pero knowing Alex, ‘pag nakarating sa kanya ang biro ni Bayani, sigurado na sasagutin niya ito nang pabiro rin.

Ano naman kaya ang itatawag ni Alex kay Bayani?

Pero karamihan sa mga netizens at na-turn off kay Bayani sa sinasabi nilang ‘foul’ na biro niya kay Alex. Rommel Placente

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here