Home METRO 6 laglag sa illegal vape products, party drugs at shabu sa QC

6 laglag sa illegal vape products, party drugs at shabu sa QC

267
0

MANILA, Philippines – Inaresto ng Criminal Investigation Detection Group (CIDG) ang dalawang lalaki, tatlong babae, at isang babaeng menor de edad sa ikinasang buy-bust operation sa isang condominium sa Barangay Santo Cristo sa Quezon City, nitong Biyernes ng gabi, Agosto 15.

Ang mga nahuli ay edad 22 at 19 na pawang mga lalaki, at 25, 18 at 19-anyos naman na mga babae. Habang ang menor de edad ay isang 17-anyos na babae na naabutan din sa loob ng unit.

“In the course of buy bust operation, itong ating pinaka-suspect ay nag-offer ng ecstasy or party drugs. So pinakita niya talaga sa ating mga operatiba itong additional na allegedly party drugs,” pahayag ni PMaj. Helen Dela Cruz, Chief PIO ng CIDG, sa panayam ng ABSCBN News.

Narekober sa mga naaresto ang 13 pack ng ilegal na vape products, 18 pakete ng party drugs at tatlong pakete ng hinihinalang shabu.

Nagpanggap ang isang poseur buyer na bibili sa 22-anyos na lalaki sa social media.

“It’s so alarming dahil alam naman po natin ang epekto ng illegal drugs sa mga buhay ng mga kabataan at illegal ito… We call on the parents, the public na tingnan natin itong mga vape na ginagamit ng ating mga anak. Meron na pala ngayong vape with cannabis flavor,” sinabi pa ni Dela Cruz.

Nasa kustodiya na ng CIDG ang limang suspek habang itu-turn over naman ang menor de edad sa DSWD. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here