Home ENTERTAINMENT Atasha, ginu-groom sa MUP!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Atasha, ginu-groom sa MUP!August 17, 2025 07:292620 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Mag-rub off kaya kay Atasha Muhlach ang “beauty pageant inclination” ng kanyang inang si Charlene Gonzales?Matatandaang si Charlene ang naging pambato noon ng bansa when she competed in the Miss Universe 1994 held in the country.Pinag-iingat kasi ng mga netizens si Atasha after her cycling accident noon.Bale ba, parang hindi naman iniinda ni Atasha ang tinamong sugat.Maging ang ama niyang si Aga Muhlach ay pinagtawanan lang ang sinapit niya.Nagbiro pa ang aktor na: “Buti ka pa, nag-‘Tour de France’ ka!”Ibig sabihiy nadisgrasya si Atasha sa pamimisikleta o cycling.Pinatulan pa ito ni Atasha sa pagsasabing: “May kasamang ‘tocino’!” na ang tinutukoy ay ang tinamong sugat.Bagama’t ine-expect na raw ni Atasha ang mga ganitong aksidente ay pinag-iingat pa rin siya ng mga netizens.Siya raw kasi ang susunod na lalahok sa Miss Universe Philippines.Ang tanong: kasama ba sa plano ni Atasha ang sumali?Why not? She stands a good fighting chance if ever. Ronnie Carrasco III