Home NATIONWIDE Trough ng LPA, Habagat magpapaulan sa bansa

Trough ng LPA, Habagat magpapaulan sa bansa

240
0

MANILA, Philippines – Magpapaulan sa ilang bahagi ng bansa ang trough ng low pressure area (LPA) at Southwest Monsoon o Habagat.

Ayon sa PAGASA, makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Central Luzon, Batanes, at Babuyan Islands dahil sa trough ng LPA.

Maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm naman ang mararanasan Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Western Visayas, Camarines Norte, at Camarines Sur.

Ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorms dahil sa localized thunderstorms. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here