Home ENTERTAINMENT Ka Mangyan, nag-celebrate ng kagandahan!

Ka Mangyan, nag-celebrate ng kagandahan!

314
0

Manila, Philippines – Walang duda ba sikat na nga ang socmed influencer na si Ka Mangyan.

Sa ngayon ay meron nang 14M followers si Ka Mangyan sa FB at isa rin sa mga most sought-after na endorsers dahil sa kanyang popularity.

Si Ka Mangyan Vlogs o Mercedes Lasac ay taga-Socorro, Oriental Mindoro at nakilala sa kanyang “Probinsya Life” vlogs kung saan ipinapakita niya ang simpleng pamumuhay sa kanayunan.

Sa ngayon ay festive ang mood ni Ka Mangyan kasama ang kapwa niya socmed influencer na si Lars Pacheco sa pagse-celebrate ng kagandahan.

Si Ka Mangyan ay isa sa nga endorsers ng Skin Magical na nagse-celebrate ngayon ng 10th year sa beauty business.

Mula sa kauna-unahang rejuvenating set na may collagen at moisturizing formula, hanggang sa pagiging kilalang pangalan sa skincare at wellness, ang Skin Magical ay opisyal nang magdiriwang ng 1ka-10 anibersaryo sa darating na Setyembre 29, 2025.

“Isang dekada ng tiwala at ganda talaga,” susog pa ni Ka Mangyan.

Noong 2015, inilunsad ang Rejuvenating Set 1 – ang unang set sa merkado na may collagen, pampakinis, at pampaglow.

Mula noon, milyon-milyong Pilipino na ang naka-experience ng glass-skin transformation at clear skin confidence.

“Ito ang una kong rejuvenating set, at ito pa rin ang babalik-balikan ko.

“Naka-glass skin talaga ako, legit,” pagpapatunay pa ni Ka Mangyan.

Nilinaw naman ni Ka Mangyan na mas maganda pa rin kung malawak ang kagandahan ng tao.

Kumbaga, mas maayos kung maganda ang panlabas at panloob.

Sinabi ni Ka Mangyan na ang dating simpleng distribution business, ngayon ay handa nang pasukin ang retail industry – lokal man o international.

“Bukas ang brand sa resellers, distributors, supermarkets, at global partnerships,” sabi ni Ka Mangyan.

“Hindi naging madali ang 10 taon. Maraming ups and downs — pero normal iyon sa negosyo. Ang mahalaga, tuloy-tuloy ang misyon: ang maghatid ng abot-kayang, epektibong kagandahan para sa lahat,” sabi naman ng Skin Magical owner na si Madam Ghie Pangilinan.

“Hindi lang ito produkto, ito ay simbolo ng pag-asa, oportunidad, at empowerment.

“Patuloy nitong binibigyang halaga ang libu-libong resellers, distributors, at loyal users sa kanilang beauty journey,” dagdag pa ni Madam Ghie. JP Ignacio

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here