Home ENTERTAINMENT Vhong, hindi nanonood ng teleserye ni Anne!

Vhong, hindi nanonood ng teleserye ni Anne!

294
0

Manila, Philippines – Nagkaroon ng bardagulan sina Vhong Navarro at Anne Curtis sa latest episode ng “It’s Showtime.”

Siyempre, mega promote si Anne ng kanyang teleseryeng “It’s Not Okay To Be Not Okay” kung saan kasama niya sina Joshua Garcia at Carlo Aquino.

Sa kanilang tsikahan sa show, nabuking ni Anne na hindi pala pamilyar si Vhong sa kanyang serye.

Nakantiyawan tuloy ni Anne si Vhong na hindi raw pala nanonood ng Pinoy adaptation ng KDrama na kanyang pinagbibidahan kahit bilang suporta man lang.

Umani naman ito ng samu’t-saring reaksyon mula sa netizens.

Ito ang ilan sa kanilang mga komento.

“Si Anne din naman hindi nanonood ng mga shows ng co host niya so quits quits lang.”

“Naalala ko before mahilig si Vice mag-drop ng lines from teleserye, lost din si Anne & K, sinabihan na lang sila na wag puro kdrama kasi.”

“Hindi nga yata alam ni Anne na meron Cinemalaya movie si Vhong.”

“Naalala ko si Jimmy Fallon and James Corden, nahuling nag-pretend na nanood ng movie/series, nagkukunwari na nagbasa ng book ng guest. Noong tinanong ng basic details, hindi alam.”

“Common naman yan sa mga celebrities, ang di ko lang magets kung bakit kailangan nila magsinungaling. Sure, may mga ilan na mangba-bash sa kanila esp. yung mga makikitid ang utak pero karamihan naman maiintindihan. Pero ang sure na maba-bash ka kapag nagsinungaling ka na nga na napanood mo pero nahuli kang hindi naman pala.” Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here