Manila, Philippines – Pinatutsadahan nga ba ni BB Gandanghari si Vice Ganda?
Viral kasi ang isang maikling video kung saan tampok si BB.
Obyus na ang pinapaksa niya’y ang TV host na nasa inset ng video.
Kuha ang inset sa local airport kung saan makikitang naglalakad si Vice Ganda sa runway, dressed in shorts and casual outfit at naka-shades.
Mapapanood ang parunggit ni BB directed at the Unkaboggable Star.
Sey nito habang hinahawi-hawi ang kanyang mahabang buhok: “Mukha pa ba siyang kabayo? Tanggalin muna niya ang lahat ng makep niya at saka ang wig niya, saka ako magbibigay ng opinyon!”
Aminado si BB na clueless siya how Vice Ganda looks kaya ang pahabol nito: “Hindi ko kasi alam ang hitsura niya ngayon!”
Hindi malinaw kung recent ba o luma na ang video na ‘yon.
Pero obyus na itinaon ‘yon kung kailan kontrobersyal ang mga concert jokes ni Vice Ganda involving certain personalities, both in showbiz and politics.
Kabilang dito si dating Pangulong Rodrigo Duterte, Senator Marcoleta at Sabrina M.
Ewan kung ang banat ni BB ay bilang pakikisimpatya kay PRRD na suportado ng mga DDS including BB’s brother Sen. Robin Padilla who’s a staunch Duterte loyalist.