Home METRO Bangkay ng babaeng nakatali, hubo’t hubad natagpuan sa loob ng bahay sa...

Bangkay ng babaeng nakatali, hubo’t hubad natagpuan sa loob ng bahay sa Ilocos

309
0

MANILA, Philippines – Iniimbestigahan na ng mga awtoridad sa Ilocos Norte ang pagkasawi ng isang babae na natagpuang nakatali at nakahubad sa loob mismo ng bahay nito.

Sa postmortem examination, nakita na ang 39-anyos na biktima ay nagtamo ng mga sugat at pasa sa kanyang ulo.

Nawawala naman ang mga alahas at pera nito.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung ang biktima na isang market vendor, ay ginahasa.

Natagpuan ang katawan nito sa sala at walang nakitang anumang bakas ng komosyon ang pulisya.

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang krimen. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here