MANILA, Philippines – Hihilingin ng Department of Justice (DOJ) sa Manila Regional Trial Court na maibasura ang kaso laban kay Julie Patidongan.
Ito ang kinumpirma ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla nitong Lunes, Agosto 18.
Kasama ni Patidongan ang limang iba pa na nahaharap sa mga kasong kidnapping at illegal serious detention sa Manila RTC kaugnay sa pagkawala ng anim na sabungero noong 2022 habang patungong Manila arena.
“We will ask the court to discharge later on,” sabi ni Remulla.
Muli namang ipagpapatuloy ng Manila RTC ang pagdinig sa kaso sa Miyerkules.
Bago maging state witness si Patidongan, kailangan mumang maibasura ang kaso laban sa kanya.
Ayon pa kay SOJ, patuloy pa rin ang pag-aaral ng prosekusyon sa isinampang reklamo ng kaanak ng mga nawawalang sabungero laban sa ilang personalidad. Jocelyn Tabangcura-Domenden