Home METRO 4-anyos, binatilyo nalunod sa ilog ng Rizal

4-anyos, binatilyo nalunod sa ilog ng Rizal

253
0

RIZAL, Philippines – Isang apat na taong gulang na bata at isang binatilyo ang iniulat na nalunod sa mga ilog sa Rodriguez, Rizal noong Linggo, Agosto 17.

Ayon sa mga awtoridad, nakatanggap ng tawag ang Tactical Operations Center ng Casimiro Ynares Hospital hinggil sa insidente ng pagkalunod na kinasasangkutan ng apat na taong gulang na batang lalaki na kinilalang si Jude.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, pumunta ang bata kasama ang dalawa pang kalaro nito sa Wawa River sa Sitio Inigan, Barangay San Rafael para lumangoy noong araw na iyon.

Sinabi ng mga saksi na nagulat sila nang makitang umuwi ang mga kaibigan ng bata nang wala siya, kaya agad silang pumunta sa ilog upang hanapin ito. Narecover ng mga rescuer ang katawan ng bata makalipas ang isang oras.

Naisugod pa ito sa ospital ngunit idineklara itong dead on arrival.

Noong araw din na iyon, nakatanggap ang Tactical Operations Center ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng panibagong ulat hinggil sa insidente ng pagkalunod na kinasasangkutan naman ng isang binatilyo sa tabi ng Marikina River Spillway sa Barangay San Isidro.

Sinabi ng mga taong nakakita sa insidente na lumalangoy ang biktima bandang alas-7 ng gabi nang bigla siyang tangayin ng malakas na agos ng ilog.

Mabilis na naglunsad ng search, rescue, at retrieval operation ang MDRRMO. Kalaunan ay narekober nila ang bangkay ng biktima. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here