Home METRO Pagpupugay sa tinaguriang “Ama ng Wikang Pambansa”, isinagawa sa Kyusi

Pagpupugay sa tinaguriang “Ama ng Wikang Pambansa”, isinagawa sa Kyusi

252
0

QUEZON CITY, Philippines – Dumalo ang mga opisyal ng QCPD sa pangunguna ni PCol Randy Glenn Silvio, Deputy District Director for Administration at Officer-in-Charge, bilang pakikiisa sa paggunita kay Pangulong Manuel L. Quezon na ginanap sa Quezon City Memorial Circle dakong alas-8:00 ng umaga ngayong araw, Agosto 19, 2025.

Ang seremonya ay dinaluhan ng Pamahalaang Lungsod ng Quezon sa pangunguna ni Mayor Joy Belmonte, kasama ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, uniformed services, at sektor ng komunidad.

Bilang bahagi ng taunang pagdiriwang, isinagawa ang wreath-laying ceremony bilang pagpupugay sa tinaguriang “Ama ng Wikang Pambansa” at unang Pangulo ng Commonwealth ng Pilipinas. Sa okasyong ito, muling ipinaalala ang mga naiambag ni Pangulong Manuel L. Quezon sa pagtataguyod ng pambansang pagkakaisa at makabayang pamumuno.

Ang paglahok ng QCPD ay malinaw na nagpapatunay ng kanilang buong suporta sa mga programang pangkultura at makasaysayan ng Lungsod Quezon, na naglalayong isulong ang mas matibay na pagmamahal sa bayan at pagpapahalaga sa kasaysayan ng ating bansa. DANNY QUERUBIN 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here