Home NATIONWIDE 5 timbog sa P3.2M tobats sa P’que

5 timbog sa P3.2M tobats sa P’que

170
0

MANILA, Philippines – Arestado ang limang suspek, kabilang ang dalawang high-value target, sa isang buy-bust operation sa Parañaque City nitaong Martes kung saan nasamsam ang ₱3.2 milyon halaga ng ilegal na droga.

Kinilala ni Southern Police District chief Brig. Gen. Randy Arceo ang mga suspek na sina alyas Christian, 28, at Symon, 29, kapwa HVIs, at tatlong iba pa na street-level pushers. Nakuha sa kanila ang 200 gramo ng ketamine, isang kilo ng marijuana kush, 500 gramo ng tuyong marijuana, at 791 tableta ng ecstasy, pati na ang buy-bust money at drug paraphernalia.

Binigyang-diin ni NCRPO chief Maj. Gen. Anthony Aberin ang walang humpay na kampanya kontra droga, aniya, “walang puwang sa NCR ang mga grupong nagpapalaganap ng iligal na droga.” Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Iniulat din ni Aberin na bumaba ng 18.7% ang focus crimes sa Metro Manila mula Agosto 9 hanggang 16, kabilang ang malaking pagbaba sa kaso ng murder, homicide, rape, at carnapping. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here