Home HOME BANNER STORY Erwin, Jinggoy nanawagan: Mga politikong sangkot sa maanomalyang flood control projects pangalanan

Erwin, Jinggoy nanawagan: Mga politikong sangkot sa maanomalyang flood control projects pangalanan

258
0
(c) Cesar Morales

MANILA, Philippines – Nanawagan sina Senador Erwin Tulfo at Jinggoy Estrada nitong Miyerkules, Agosto 20 na dapat pangalanan ang mga politikong may kaugnayan sa maanomalyang flood control projects sa pagdinig ng Senate blue ribbon committee.

Ani Tulfo, vice chairperson ng panel, hindi lamang ang mga miyembro ng Kamara ang papangalanan sa mga susunod na pagdinig kundi maging ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan na may kaugnayan sa kahina-hinalang mga flood control project.

“Yung mga contractor na ‘yan, connected ‘yan sa mga pulitiko na ‘yan. Hindi lang congressman dito, mayroon ding mga governor diyan, may mga mayor din na sasabit diyan na sila mismo ang tumitira ng flood control pagbaba ng pondo sa kanilang lalawigan, sa kanilang probinsya. Sila na ang tumitira,” sinabi ni Tulfo sa panayam ng DZBB.

“‘Yung iba naman na mga mayor, mga contractor. Sila na rin ang gumagawa ng mga flood control. At kahit hindi sa bayan nila, kahit sa ibang bayan, pupunta ang kanyang kumpanya para gawin ang flood control na ‘yan,” dagdag pa niya.

Anang senador, gigisahin ang mga private contractor upang ilantad kung sino ang mga politikong kasabwat nila. Kung bigong makipagtulungan sa blue ribbon committee ay isasailalim ang mga ito sa contempt.

Sa unang public hearing ng komite nitong Martes, inaprubahan ni chairperson Senator Rodante Marcoleta ang mosyon sa paglalabas ng mga subpoena laban sa mga private contractor na absent sa hearing.

Samantala, ibinunyag ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan sa pagdinig na maaaring mayroong “ghost” flood control projects na nagkakahalaga ng P5.9 bilyon sa ilang lugar sa Bulacan.

Ipinaliwanag naman ni Estrada na hindi hihimukin ng Senado ang kapwa mambabatas partikular ang mga nasa Mababang Kapulungan para dumalo sa mga pagdinig ng blue ribbon committee ngunit maaari silang dumalo kung gugustuhin nila.

“Pwede naman sabihin ng contractor kung sino ‘yung mga binibigyan nilang pulitiko,” saad sa hiwalay na panayam kay Senate President Pro Tempore.

“Siguro kung merong maglalakas loob na pangalanan ‘yung mambabatas na ‘yun, siguro sasagutin nila in a proper forum,” dagdag pa.

Sumang-ayon din si Estrada sa paggisa sa mga pribadong contractor para pangalanan ang mga sangkot sa maanomalyang mga proyekto sa mga susunod na pagdinig. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here