Iniharap ni National Bureau of Investigation (NBI) sa ilalim ng
pamamahala ni NBI Director Judge Jaime B. Santiago (Ret.), ang dalawang indibidwal na naaresto sa Concepcion, Tarlac, sa kasong child exploitation na nagresulta sa matagumpay na pagliligtas ng sampung
(10) menor de edad. CESAR MORALES
MANILA, Philippines – INAASAHAN na tatanggapin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang irrevocable resignation ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Jaime Santiago.
“Hindi po naipaalam sa atin sa ngayon kung sila’y nagkausap pero ang irrevocable resignation ni NBI Director ay for acceptance,” ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro.
Sa isang liham na ipinadala kay Executive Secretary Lucas Bersamin Santiago noong Aug. 15, Santiago, nakasaad dito na ang isinumite niyang “irrevocable resignation” kagyat na epektibo sa oras na maitalaga na ang kanyang magiging kapalit.
Si Santiago, sa kanyang resignation letter, ay nakasaad na “detractors and those who have sinister interest in my position incessantly make moves to besmirch my reputation.”
Wala namang ibinigay na karagdagang detalye si Castro kaugnay sa posibleng maging kapalit ni Santiago.
Gayunpaman, tiniyak ni Castro sa publiko na ang operasyon ng NBI at serbisyo nito ay hindi madidiskaril kasunod ng pagbibitiw sa puwesto ni Santiago.
Nauna rito, tinanong si Castro ukol sa mga alalahanin hinggil sa nagpapatuloy na NBI investigations, kabilang na ang imbestigasyon ng kaso ng nawawalang sabungero.
“Marami naman pong mga tao pa rin po na may kredibilidad at maaasahan at mapapagkatiwalaan. Sila pa rin po ay patuloy na nagtatrabaho para dito,” ang sinabi ni Castro. Kris Jose