Home NATIONWIDE Aabot sa P500M shabu narekober sa Zamboanga City

Aabot sa P500M shabu narekober sa Zamboanga City

293
0

MANILA, Philippines – Nasamsam ng mga awtoridad ang nasa 67 kilo ng hinihinalang shabu nitong Martes ng gabi, Agosto 19 kasunod ng habulan na umabot sa palayan sa Barangay Bunguiao, Zamboanga City.

Ayon kay Major Shellamie Chang, spokesperson ng Police Regional Office-Zamboanga (PRO-9), namonitor ng pulisya ang pagbiyahe ng illegal na droga sa coastal barangay ng lungsod.

Mula rito ay isinakay ang mga kontrabando sa isang sports utilit vehicle at ibinyahe palabas ng lungsod.

Nang matukoy ang sasakyang ginamit, nagkasa ng checkpoint ang pulisya at Regional Drug Enforcement Unit-9 para maharang ito.

Agad naman na kumaripas ng takbo ang sasakyan nang makita ang presenya ng pulisya dahilan para mauwi ito sa habulan.

Dumiretso sa palayan ang hinahabol na sasakyan dahilan para maaresto ang hindi pa pinangalanang drayber na taga-Zamboanga City, isang babae mula sa Pagadian City, at isa pang indibidwal.

Aabot sa P500 milyon ang halaga ng illegal na droga ang nakuha ng pulisya na pinakamalaki sa rehiyon.

Pinuri naman ni Brig. Gen. Eleazar Matta, PRO-9 director, ang tagumpay ng RDEU-9 at Zamboanga City police sa paghuli sa mga suspek.

Ani Matta, ang mga nakuhang suplay ng illegal na droga ay maaaring hindi lamang sa Zamboanga City ibinibenta kundi maging sa buong Zamboanga Peninsula at mga kalapit rehiyon. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here