Home NATIONWIDE Magalong may babala sa mga dugyot na establisyimento

Magalong may babala sa mga dugyot na establisyimento

291
0

MANILA, Philippines – Nagbabala si Mayor Benjamin Magalong sa mga business establishment sa lungsod na linisin ang kanilang mga tindahan at nasasakupan upang hindi maipasara.

“They have five days to tidy up their shops, including their frontage and surroundings, or they may face the penalties attached to their violations,” babala ni Magalong sa panayam nitong Martes, Agosto 19.

Aniya, maraming mga establisyimento ang pinabayaan na ang kanilang nasasakupan na nagresulta sa health at safety hazards.

“It’s very frustrating to see these filthy frontages [and] to think that these are businesses. They mirror the image of our city. Owners should be responsible enough to see to the upkeep of their own bread and butter,” ani Magalong.

Aniya, ang mga problemang ito ay nag-uugat sa disiplina.

Kasunod nito, iinspeksyunin ng Public Order and Safety Division (POSD) at iba pang opisina sa lungsod ang mga commercial establishment sa mga highway at central business district kung sumusunod ang mga ito sa anti-littering ordinances at iba pang batas.

Ang mga bigong makakasunod ay iisyuhan ng notices of violation at pagmumultahin.

Sa ilalim ng Ordinance No. 54-1988, ipapataw ang multang mula P1,000 hanggang P5,000 para sa mga indibidwal, at P3,000 hanggang P5,000 para sa mga establisyimento kabilang ang suspensyon o pagbawi ng business permit.

Nagpaalala din ang alkalde sa mga residente at turista na may mga ordinansang nagbabawal sa pagdura, pag-ihi, pagdumi at pagtatapon ng basura sa mga pampublikong lugar at daluyan. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here